Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 17 sa 78 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئِينَ وَالنَّصَارَىٰ وَالْمَجُوسَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا إِنَّ اللَّهَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ 17
Pagsasalin:
Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi. Al-Ḥajj 22:17
Tafsīr:
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh kabilang sa Kalipunang ito, ang mga Hudyo, ang mga Sabeano (isang pangkatin kabilang sa mga tagasunod ng ilan sa mga propeta), ang mga Kristiyano, ang mga tagasamba ng apoy, at ang mga tagasamba ng mga diyus-diyusan, tunay na si Allāh ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon para pumasok ang mga mananampalataya sa Paraiso at pumasok ang mga iba pa sa kanila sa Apoy. Tunay na si Allāh sa bawat anuman sa mga sinabi ng mga lingkod Niya at mga ginawa nila ay Saksi: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 16 Susunod Al-Ḥajj • Talata 18