Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 18 sa 78 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَسْجُدُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ وَالنُّجُومُ وَالْجِبَالُ وَالشَّجَرُ وَالدَّوَابُّ وَكَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ ۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيْهِ الْعَذَابُ ۗ وَمَنْ يُهِنِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ مُكْرِمٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ ۩ 18
Pagsasalin:
Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya. Al-Ḥajj 22:18
Tafsīr:
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na kay Allāh ay nagpapatirapa ayon sa pagpapatirapa ng pagtalima ang sinumang nasa mga langit na mga anghel at ang sinumang nasa lupa na mga mananampalataya ng tao at jinn. Nagpapatirapa sa Kanya ang araw; nagpapatirapa sa Kanya ang buwan; nagpapatirapa sa Kanya ang mga bituin sa langit, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, at ang mga hayop sa lupa ayon sa pagpapatirapa ng pagpapaakay; at nagpapatirapa sa Kanya ang marami sa mga tao ayon sa pagpapatirapa ng pagtalima. May maraming tumanggi sa pagpapatirapa sa Kanya bilang pagtalima. Kaya nagindapat sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Ang sinumang huhusgahan ni Allāh ng pagkahamak at kaabahan dahil sa kawalang-pananampalataya niya ay wala sa kanyang isang magpaparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya sapagkat walang tagapilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 17 Susunod Al-Ḥajj • Talata 19