Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 1

يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ ۚ إِنَّ زَلْزَلَةَ السَّاعَةِ شَيْءٌ عَظِيمٌ 1 ١

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang pagyanig ng Huling Sandali ay isang bagay na sukdulan. (1)

Tafsīr
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa anumang ipinag-utos Niya sa inyo at ng pagpipigil sa anumang sinaway Niya sa inyo! Tunay na ang umaalinsabay sa Araw ng Pagbangon na pagyanig ng lupa at iba pa rito na mga hilakbot ay isang bagay na sukdulan na kinakailangan ang paghahanda para rito sa pamamagitan ng paggawa ng nagpapalugod kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba