Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 23

إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ 23 ٢٣

Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla. (23)

Tafsīr
Ang pangkat ng pananampalataya, na mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ay papapasukin ni Allāh sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Magpapalamuti sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng paggagayak sa kanila ng mga pulseras na ginto at magpapalamuti Siya sa kanila sa pamamagitan ng paggagayak ng mga mutya. Mangyayaring ang kasuutan nila sa mga iyon ay ang sutla.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba