Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 28

لِيَشْهَدُوا مَنَافِعَ لَهُمْ وَيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَعْلُومَاتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۖ فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْبَائِسَ الْفَقِيرَ 28 ٢٨

upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita. (28)

Tafsīr
[Ito ay] upang dumalo sila sa mag-uuwi para sa kanila ng pakinabang na kapatawaran sa mga pagkakasala, pagtamo ng gantimpala, pag-iisa ng adhikain, at iba pa, at upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa kinakatay nila na mga alay sa mga araw na nalalaman: ang ikasampu ng Dhulḥijjah at ang tatlong araw matapos nito, bilang pasasalamat kay Allāh dahil sa itinustos Niya sa kanila na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa. Kaya kumain kayo mula sa mga alay na ito at magpakain kayo mula sa mga ito sa sinumang naging matindi ang karalitaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba