upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita. Al-Ḥajj 22:28 ⧉
Tafsīr:
[Ito ay] upang dumalo sila sa mag-uuwi para sa kanila ng pakinabang na kapatawaran sa mga pagkakasala, pagtamo ng gantimpala, pag-iisa ng adhikain, at iba pa, at upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa kinakatay nila na mga alay sa mga araw na nalalaman: ang ikasampu ng Dhulḥijjah at ang tatlong araw matapos nito, bilang pasasalamat kay Allāh dahil sa itinustos Niya sa kanila na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa. Kaya kumain kayo mula sa mga alay na ito at magpakain kayo mula sa mga ito sa sinumang naging matindi ang karalitaan.