Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 29 sa 78 • Tagalog


ثُمَّ لْيَقْضُوا تَفَثَهُمْ وَلْيُوفُوا نُذُورَهُمْ وَلْيَطَّوَّفُوا بِالْبَيْتِ الْعَتِيقِ 29
Pagsasalin:
Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila [na inobliga sa sarili], at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda. Al-Ḥajj 22:29
Tafsīr:
Pagkatapos, tumapos sila ng natira sa kanila na mga gawain ng ḥajj nila at kumalas sila sa pamamagitan ng pag-aahit sa mga ulo nila, pagputol ng mga kuko nila, at pag-aalis ng duming naipon sa kanila dahilan sa iḥrām; tumupad sila sa inobliga nila sa mga sarili na ḥajj, o `umrah, o alay; at pumalibot sila ng ṭawāf ifāḍāh sa Bahay na pinalaya ni Allāh mula sa pangingibabaw ng mga manlulupig dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 28 Susunod Al-Ḥajj • Talata 30