Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Iyon [ang kautusan]; at ang sinumang gumagalang sa mga binabanal ni Allāh, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa ganang Panginoon niya. Ipinahintulot para sa inyo ang mga hayupan maliban sa [bawal na] binabanggit sa inyo. Kaya umiwas kayo sa kasalaulaan mula sa mga diyus-diyusan at umiwas kayo sa pagsabi ng kabulaanan [laban kay Allāh at sa nilikha Niya], (30)
Tafsīr
Ang ipinag-utos na iyon sa inyo na pagkalas sa pamamagitan ng pag-aahit ng ulo, pagpuputol ng mga kuko, pag-aalis ng mga dumi, pagtupad sa panata, at paglibot sa Bahay ay ang inobliga ni Allāh sa inyo, kaya igalang ninyo ang inobliga ni Allāh sa inyo. Ang sinumang umiwas sa ipinag-utos ni Allāh na iwasan niya sa sandali ng iḥrām niya bilang paggalang mula sa kanya sa mga hangganan ni Allāh laban sa paglapit sa mga ito at sa mga pinakababanal Niya laban sa paglapastangan sa mga ito, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay sa ganang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ipinahintulot para sa inyo, O mga tao, ang mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa sapagkat hindi Siya nagbawal sa inyo mula sa mga ito ng isang ḥāmī ni isang baḥīrah ni isang waṣīlah. Hindi Siya nagbawal mula sa mga ito maliban sa nakatatagpo kayo sa Qur'ān ng pagbabawal sa patay [na hindi kinatay], dugo, at iba pa sa mga ito. Kaya lumayo kayo sa karumihan na mga diyus-diyusan at lumayo kayo sa bawat pagsasabi ng bulaan na pagsisinungaling laban kay Allāh o laban sa nilikha Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: