Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 32

ذَٰلِكَ وَمَنْ يُعَظِّمْ شَعَائِرَ اللَّهِ فَإِنَّهَا مِنْ تَقْوَى الْقُلُوبِ 32 ٣٢

Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso. (32)

Tafsīr
Iyon ay ang ipinag-utos ni Allāh na paniniwala sa kaisahan Niya, pagpapakawagas sa Kanya, at pagwaksi sa mga diyus-diyusan at sa pagsabi ng kabulaanan. Ang sinumang dumadakila sa mga tanda ng relihiyon – kabilang sa mga ito ang alay at ang mga gawain sa ḥajj – tunay na ang paggalang sa mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso sa Panginoon ng mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba