Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga [mananampalatayang] kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan. (39)
Tafsīr
Nagpahintulot si Allāh ng pakikipaglaban para sa mga mananampalatayang kinakalaban ng mga tagapagtambal noong may naganap sa kanila na kawalang-katarungan ng mga kaaway nila sa kanila. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa mga mananampalataya laban sa kaaway nila nang walang pakikipaglaban ay talagang May-kakayahan, subalit ang karunungan Niya ay humiling na sulitin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: