Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 39 sa 78 • Tagalog


أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَاتَلُونَ بِأَنَّهُمْ ظُلِمُوا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ نَصْرِهِمْ لَقَدِيرٌ 39
Pagsasalin:
Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga [mananampalatayang] kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan. Al-Ḥajj 22:39
Tafsīr:
Nagpahintulot si Allāh ng pakikipaglaban para sa mga mananampalatayang kinakalaban ng mga tagapagtambal noong may naganap sa kanila na kawalang-katarungan ng mga kaaway nila sa kanila. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa mga mananampalataya laban sa kaaway nila nang walang pakikipaglaban ay talagang May-kakayahan, subalit ang karunungan Niya ay humiling na sulitin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 38 Susunod Al-Ḥajj • Talata 40