Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 40 sa 78 • Tagalog


الَّذِينَ أُخْرِجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ بِغَيْرِ حَقٍّ إِلَّا أَنْ يَقُولُوا رَبُّنَا اللَّهُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ اللَّهِ النَّاسَ بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لَهُدِّمَتْ صَوَامِعُ وَبِيَعٌ وَصَلَوَاتٌ وَمَسَاجِدُ يُذْكَرُ فِيهَا اسْمُ اللَّهِ كَثِيرًا ۗ وَلَيَنْصُرَنَّ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ 40
Pagsasalin:
[Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: “Ang Panginoon namin ay si Allāh.” Kung hindi sa pagsupil ni Allāh sa mga tao, sa iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa, talaga sanang may winasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga masjid na binabanggit sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan. Al-Ḥajj 22:40
Tafsīr:
[Sila] ang mga pinalisan ng mga tagatangging sumampalataya mula sa mga tahanan nila dala ng isang kawalang-katarungan, hindi dahil sa isang krimeng nagawa nila bagkus dahil sila ay nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya." Kung hindi dahil sa isinabatas ni Allāh para sa mga propeta at mga mananampalataya na pakikipaglaban sa mga kaaway nila, talaga sanang lumabag ang mga ito sa mga larangan ng pagsamba saka nagwasak ang mga ito ng mga monasteryo ng mga monghe, mga iglesya ng mga Kristiyano, mga templo ng mga Hudyo, at mga masjid ng mga Muslim, na inilaan para sa pagdarasal. Sa mga ito ay bumabanggit ang mga Muslim kay Allāh nang pagbanggit na madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Relihiyon Niya at Propeta Niya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas sa pag-aadya sa sinumang nag-aadya sa Relihiyon Niya, Makapangyarihan na walang nakikipagdaigan sa Kanya na isa man.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 39 Susunod Al-Ḥajj • Talata 41