Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 32

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ الْقُرْآنُ جُمْلَةً وَاحِدَةً ۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِ فُؤَادَكَ ۖ وَرَتَّلْنَاهُ تَرْتِيلًا 32 ٣٢

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?” [Ang pagbababang] gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas. (32)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Bakit kasi hindi pinababa sa Sugo ang Qur’ān na ito nang iisang ulit at hindi na sana pinababa sa kanya nang magkahiwa-hiwalay?" Nagbaba Kami ng Qur’ān nang gayon, magkahiwa-hiwalay, para sa pagpapatatag sa puso mo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagbaba nito nang isang ulit matapos ng isang ulit. Nagpababa Kami nito nang paunti-unti para sa pagpapadali sa pag-intindi nito at pagsasaulo nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba