[Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay. Al-Ḥajj 22:41 ⧉
Tafsīr:
Ang mga pinangakuang ito ng pag-aadya ay ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway nila ay magsasagawa ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan, magbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, mag-uutos ng ipinag-uutos ng Batas ng Islām, at sasaway ayon sa sinaway nito. Sa kay Allāh lamang ang babalikan ng mga bagay sa gantimpala sa mga ito at parusa.