Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 46

أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَتَكُونَ لَهُمْ قُلُوبٌ يَعْقِلُونَ بِهَا أَوْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۖ فَإِنَّهَا لَا تَعْمَى الْأَبْصَارُ وَلَٰكِنْ تَعْمَى الْقُلُوبُ الَّتِي فِي الصُّدُورِ 46 ٤٦

Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magkaroon sila ng mga pusong nakapag-uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Tunay na ang mga [matang] ito ay hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib. (46)

Tafsīr
Kaya hindi ba naglakbay sa lupain ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakita sila sa mga bakas ng mga ipinahamak na pamayanang iyon para mag-isip-isip sila sa pamamagitan ng mga isip nila, upang magsaalang-alang sila at makarinig sila ng mga kasaysayan ng mga iyon ayon sa pagdinig ng pagtanggap, upang mapangaralan sila. Tunay na ang pagkabulag ay hindi ang pagkabulag ng paningin, bagkus ang pagkabulag na nakapapahamak na nakalilipol ay ang pagkabulag ng pagkatalos kung saan ang dumaranas nito ay hindi nagkakaroon ng pagsasaalang-alang ni ng pagtanggap ng pangaral.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba