Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 46 sa 78 • Tagalog


أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَتَكُونَ لَهُمْ قُلُوبٌ يَعْقِلُونَ بِهَا أَوْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۖ فَإِنَّهَا لَا تَعْمَى الْأَبْصَارُ وَلَٰكِنْ تَعْمَى الْقُلُوبُ الَّتِي فِي الصُّدُورِ 46
Pagsasalin:
Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magkaroon sila ng mga pusong nakapag-uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Tunay na ang mga [matang] ito ay hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib. Al-Ḥajj 22:46
Tafsīr:
Kaya hindi ba naglakbay sa lupain ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakita sila sa mga bakas ng mga ipinahamak na pamayanang iyon para mag-isip-isip sila sa pamamagitan ng mga isip nila, upang magsaalang-alang sila at makarinig sila ng mga kasaysayan ng mga iyon ayon sa pagdinig ng pagtanggap, upang mapangaralan sila. Tunay na ang pagkabulag ay hindi ang pagkabulag ng paningin, bagkus ang pagkabulag na nakapapahamak na nakalilipol ay ang pagkabulag ng pagkatalos kung saan ang dumaranas nito ay hindi nagkakaroon ng pagsasaalang-alang ni ng pagtanggap ng pangaral.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 45 Susunod Al-Ḥajj • Talata 47