Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 54

وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ فَيُؤْمِنُوا بِهِ فَتُخْبِتَ لَهُ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَهَادِ الَّذِينَ آمَنُوا إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 54 ٥٤

[Iyan ay] upang makaalam ang mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para sumampalataya sila rito para magmababang-loob rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid. (54)

Tafsīr
[Iyan ay] upang makapagtiyak ang mga binigyan ni Allāh ng kaalaman na ang Qur'ān na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang katotohanan na ikinasi ni Allāh sa iyo, O Sugo, para madagdagan sila ng pananampalataya rito at magpasailalim rito ang mga puso nila at magpakumbaba. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay ng mga sumampalataya sa Kanya tungo sa daan ng katotohanan, na tuwid, na walang pagkabaluktot doon, bilang ganti sa kanila sa pagpapasailalim nila rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba