Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pumipigil Siya sa langit na bumagsak ito sa lupa malibang ayon sa pahintulot Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain. (65)
Tafsīr
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpasilbi para sa iyo at para sa mga tao ng anumang nasa lupa na mga hayop at mga bagay para sa mga kapakinabangan ninyo at mga pangangailangan ninyo, at nagpaamo para sa inyo ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya at pagpapasilbi Niya mula sa isang bayan patungo sa isang bayan pa. Pumipigil Siya sa langit upang hindi ito bumagsak sa lupa malibang may pahintulot Niya. Kaya kung sakaling nagpahintulot Siya sa langit na bumagsak sa lupa, talaga sanang bumagsak iyon. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain yayamang pinagsilbi Niya para sa kanila ang mga bagay na ito sa kabila ng taglay nilang paglabag sa katarungan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: