Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang panuntunan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag nga silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo; tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid. (67)
Tafsīr
Para sa bawat mga alagad ng kapaniwalaan ay nagtalaga Kami ng isang batas kaya sila ay nagsasagawa ayon sa batas nila. Kaya huwag ngang makipagtunggali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal at ang mga alagad ng mga ibang relihiyon kaugnay sa batas mo sapagkat ikaw ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa kanila dahil sila ay mga alagad ng kabulaanan. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh; tunay na ikaw ay talagang nasa isang daang tuwid, na walang kabaluktutan doon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: