Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 21)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may aral. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga ito. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami at mula sa mga ito ay kumakain kayo. (21)
Tafsīr
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga hayupan (kamelyo, baka, at tupa) ay talagang may aral at katunayang maipatutunay ninyo sa kakayahan ni Allāh at kabaitan Niya sa inyo. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga hayupang ito ng gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami, na nakikinabang kayo sa mga ito gaya ng pagsakay, lana, balahibo, at buhok, at kumakain kayo mula sa mga karne ng mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: