Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 21 sa 118 • Tagalog


وَإِنَّ لَكُمْ فِي الْأَنْعَامِ لَعِبْرَةً ۖ نُسْقِيكُمْ مِمَّا فِي بُطُونِهَا وَلَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ كَثِيرَةٌ وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ 21
Pagsasalin:
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may aral. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga ito. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami at mula sa mga ito ay kumakain kayo. Al-Mu’minūn 23:21
Tafsīr:
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga hayupan (kamelyo, baka, at tupa) ay talagang may aral at katunayang maipatutunay ninyo sa kakayahan ni Allāh at kabaitan Niya sa inyo. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga hayupang ito ng gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami, na nakikinabang kayo sa mga ito gaya ng pagsakay, lana, balahibo, at buhok, at kumakain kayo mula sa mga karne ng mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 20 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 22