at ng isang punong-kahoy na lumalabas mula sa bundok ng Sinai na nagpapatubo ng langis at isang sawsawan para sa mga kumakain. Al-Mu’minūn 23:20 ⧉
Tafsīr:
Nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng punong-kahoy ng oliba na lumalabas sa rehiyon ng bundok ng Sinai, na nagpapatubo ng langis na hinahango mula sa bunga nito, na ipinanlalangis at ipinang-uulam.