Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




23 Al-Mu’minūn(المؤمنون), Talata 33

وَقَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِلِقَاءِ الْآخِرَةِ وَأَتْرَفْنَاهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا مَا هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يَأْكُلُ مِمَّا تَأْكُلُونَ مِنْهُ وَيَشْرَبُ مِمَّا تَشْرَبُونَ 33 ٣٣

Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa Buhay sa Mundo: “Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo. (33)

Tafsīr
Ang mga maharlika at ang mga pinuno kabilang sa mga kalipi niya na tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa samantalang nagpalabis sa kanila sa ipinagkaloob sa kanila na mga biyaya sa buhay na pangmundo ay nagsabi sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba ito kung isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo, kaya wala siyang pagkatangi sa inyo upang ipadala bilang sugo sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba