Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 33 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 33 sa 118 • Tagalog


وَقَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِلِقَاءِ الْآخِرَةِ وَأَتْرَفْنَاهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا مَا هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يَأْكُلُ مِمَّا تَأْكُلُونَ مِنْهُ وَيَشْرَبُ مِمَّا تَشْرَبُونَ 33
Pagsasalin:
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa Buhay sa Mundo: “Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo. Al-Mu’minūn 23:33
Tafsīr:
Ang mga maharlika at ang mga pinuno kabilang sa mga kalipi niya na tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa samantalang nagpalabis sa kanila sa ipinagkaloob sa kanila na mga biyaya sa buhay na pangmundo ay nagsabi sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba ito kung isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo, kaya wala siyang pagkatangi sa inyo upang ipadala bilang sugo sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 32 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 34