Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 32 sa 118 • Tagalog


فَأَرْسَلْنَا فِيهِمْ رَسُولًا مِنْهُمْ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ أَفَلَا تَتَّقُونَ 32
Pagsasalin:
Saka nagsugo Kami sa kanila ng isang sugo [na si Propeta Hūd na] kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?” Al-Mu’minūn 23:32
Tafsīr:
Saka nagpadala Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, saka nagsasabi ito sa kanila: "Sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasamba ayon sa karapatan, na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 31 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 33