Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 96)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila [sa Amin at sa iyo]. (96)
Tafsīr
Itaboy mo, O Sugo, ang sinumang gumagawa ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng katangiang higit na maganda sa pamamagitan ng pagpapaumanhin mo sa kanya at pagtitiis mo sa pananakit niya. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila na pagtatambal at pagpapasinungaling at sa anumang inilalarawan nila sa iyo na hindi naaangkop sa iyo gaya ng panggagaway at pagkabaliw.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: