Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga umiibig na kumalat ang mahalay sa mga sumasampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam. (19)
Tafsīr
Tunay na ang mga umiibig na lumaganap ang mga nakasasama – kabilang sa mga ito ang paninirang-puri ng pangangalunya – sa mga mananampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad sa kanila ng takdang parusa sa paninirang-puri at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay pagdurusa sa Apoy. Si Allāh ay nakaaalam sa kasinungalingan nila at anumang kinauuwian ng lagay ng mga lingkod Niya at nakaaalam sa mga kapakanan nila samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: