Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 19 sa 64 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ يُحِبُّونَ أَنْ تَشِيعَ الْفَاحِشَةُ فِي الَّذِينَ آمَنُوا لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ 19
Pagsasalin:
Tunay na ang mga umiibig na kumalat ang mahalay sa mga sumasampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam. An-Nūr 24:19
Tafsīr:
Tunay na ang mga umiibig na lumaganap ang mga nakasasama – kabilang sa mga ito ang paninirang-puri ng pangangalunya – sa mga mananampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad sa kanila ng takdang parusa sa paninirang-puri at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay pagdurusa sa Apoy. Si Allāh ay nakaaalam sa kasinungalingan nila at anumang kinauuwian ng lagay ng mga lingkod Niya at nakaaalam sa mga kapakanan nila samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 18 Susunod An-Nūr • Talata 20