Naglilinaw si Allāh sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong. An-Nūr 24:18 ⧉
Tafsīr:
Nagpapaliwanag si Allāh sa inyo ng mga talatang naglalaman ng mga kahatulan Niya at mga pangaral Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga gawain ninyo: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito, at Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya.