Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain, [nagmadali sana Siya sa pagparusa sa inyo.] An-Nūr 24:20 ⧉
Tafsīr:
Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, O mga nasasadlak sa kabulaanan, at awa Niya sa inyo, at kung hindi dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain sa inyo, talaga sanang nagmadali Siya sa inyo sa kaparusahan.