Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 14

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ تَوَلَّوْا قَوْمًا غَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَا مِنْهُمْ وَيَحْلِفُونَ عَلَى الْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ 14 ١٤

Hindi ka ba tumingin sa mga [mapagpaimbabaw na] tumangkilik sa mga taong [Hudyo na] nagalit si Allāh sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo [O mga mananampalataya] at hindi kabilang sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam. (14)

Tafsīr
Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na nakipagtangkilikan sa mga Hudyo, na nagalit si Allāh sa mga iyon dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at mga pagsuway ng mga iyon? Ang mga mapagpaimbabaw na ito ay hindi kabilang sa mga mananampalataya at hindi kabilang sa mga Hudyo. Bagkus sila ay mga nag-uurong-sulong: hindi kampi sa mga ito at hindi sa mga iyan. Sumusumpa sila na sila raw ay mga Muslim, at na sila raw ay hindi naghatid ng mga ulat hinggil sa mga Muslim sa mga Hudyo samantalang sila ay mga sinungaling sa panunumpa nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba