Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag manumpa ang mga may kalamangan kabilang sa inyo at kaluwagan na [hindi] magbigay sa mga mayroong pagkakamag-anak, mga dukha, at mga tagalikas sa landas ni Allāh. Magpaumanhin sila at magpalampas sila. Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh sa inyo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (22)
Tafsīr
Huwag susumpa ang mga may kalamangan sa relihiyon at ang mga may kaluwagan sa yaman sa pagtigil sa pagbibigay sa mga kamag-anakan nilang mga nangangailangan – dahil sa taglay ng mga ito na karukhaan, na kabilang sa mga tagalikas sa landas ni Allāh – dahil sa isang pagkakasalang nagawa ng mga ito. Magpaumanhin sila sa mga ito at magpalampas sila sa mga ito. Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh sa inyo sa mga pagkakasala ninyo kapag nagpaumanhin kayo sa mga ito at nagpalampas kayo? Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila, kaya naman maaliw sa Kanya ang mga lingkod Niya. Bumaba ang talatang ito kaugnay kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq – malugod si Allāh sa kanya – noong sumumpa siyang titigil sa paggugol kay Mistaḥ dahil sa pakikilahok nito sa kabulaanan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: