Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagparamdam kayo at bumati kayo sa mga naninirahan sa mga ito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala. (27)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas Niya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagpaalam kayo sa mga nakatira sa mga ito sa pagpasok sa kanila at bumati kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ninyo sa pagbati at pagpaalam: "Assalāmu `alaykum. Papasok po ba ako?" Ang pagpaalam na iyon na ipinag-utos sa inyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagpasok nang biglaan, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa ipinag-utos sa inyo para sumunod kayo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: