Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 29

لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ مَسْكُونَةٍ فِيهَا مَتَاعٌ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ 29 ٢٩

Wala sa inyong paninisi na pumasok kayo [nang walang pagpapaalam] sa mga bahay na hindi tinitirahan, na sa mga ito ay may isang natatamasa para sa inyo. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang inililihim ninyo. (29)

Tafsīr
Wala sa inyong pagkaasiwa na pumasok kayo nang walang pagpaalam sa mga pampublikong bahay na hindi natatangi sa isa man, na inihanda para sa pakikinabang na pampubliko gaya ng mga aklatan at mga tindahan sa mga palengke. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo na mga gawain ninyo at mga kalagayan ninyo at anumang ikinukubli ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa inyo roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba