Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 29 sa 64 • Tagalog


لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ مَسْكُونَةٍ فِيهَا مَتَاعٌ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ 29
Pagsasalin:
Wala sa inyong paninisi na pumasok kayo [nang walang pagpapaalam] sa mga bahay na hindi tinitirahan, na sa mga ito ay may isang natatamasa para sa inyo. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang inililihim ninyo. An-Nūr 24:29
Tafsīr:
Wala sa inyong pagkaasiwa na pumasok kayo nang walang pagpaalam sa mga pampublikong bahay na hindi natatangi sa isa man, na inihanda para sa pakikinabang na pampubliko gaya ng mga aklatan at mga tindahan sa mga palengke. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo na mga gawain ninyo at mga kalagayan ninyo at anumang ikinukubli ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa inyo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 28 Susunod An-Nūr • Talata 30