Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 30 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 30 sa 64 • Tagalog


قُلْ لِلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوا فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا يَصْنَعُونَ 30
Pagsasalin:
Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mag-ingat sila ng mga ari nila. Iyon ay higit na busilak para sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila. An-Nūr 24:30
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lalaking mananampalataya na pumigil sila sa mga paningin nila sa pagtingin sa hindi ipinahihintulot para sa kanila na mga babae at mga kahubaran, at mangalaga sila sa mga ari nila laban sa pagkakasadlak sa ipinagbabawal at laban sa pagkakalantad ng mga ito. Ang pagpipigil na iyon sa pagtingin sa ipinagbawal ni Allāh ang pangangalaga sa mga ari [laban sa pangangalunya] ay higit na dalisay para sa kanila sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 29 Susunod An-Nūr • Talata 31