Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mag-ingat sila ng mga ari nila. Iyon ay higit na busilak para sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila. (30)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lalaking mananampalataya na pumigil sila sa mga paningin nila sa pagtingin sa hindi ipinahihintulot para sa kanila na mga babae at mga kahubaran, at mangalaga sila sa mga ari nila laban sa pagkakasadlak sa ipinagbabawal at laban sa pagkakalantad ng mga ito. Ang pagpipigil na iyon sa pagtingin sa ipinagbawal ni Allāh ang pangangalaga sa mga ari [laban sa pangangalunya] ay higit na dalisay para sa kanila sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa kanila roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: