Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ipakasal ninyo ang mga walang-asawa kabilang sa inyo at ang mga maayos kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. (32)
Tafsīr
Ipakasal ninyo, O mga mananampalataya, ang mga lalaking walang mga maybahay at ang mga babaing malayang walang mga asawa. Ipakasal ninyo ang mga mananampalataya kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at kabilang sa mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niyang malawak. Si Allāh ay Malawak ang pagtutustos: hindi nababawasan ang panustos Niya sa pagbibigay-kasapatan sa isa, Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: