Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 3

الزَّانِي لَا يَنْكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوْ مُشْرِكَةً وَالزَّانِيَةُ لَا يَنْكِحُهَا إِلَّا زَانٍ أَوْ مُشْرِكٌ ۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ 3 ٣

Ang lalaking nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang babaing nangangalunya o isang babaing tagapagtambal. Ang babaing nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang lalaking nangangalunya o isang lalaking tagapagtambal. Ipinagbawal iyon sa mga mananampalataya. (3)

Tafsīr
Para sa pagpapahayag ng karumalan ng pangangalunya, binanggit ni Allāh na ang [lalaking] nasanay nito ay hindi nakaiibig sa pag-aasawa maliban sa isang babaing nangangalunyang tulad niya o sa isang babaing tagapagtambal na hindi nangingilag sa pangangalunya, sa kabila ng kawalan ng kapahintulutan ng pag-aasawa rito; at ang [babaing] nasanay sa pangangalunya ay hindi nakaiibig sa pag-aasawa maliban sa isang lalaking nangangalunyang tulad niya o sa isang lalaking tagapagtambal na hindi nangingilag dito, sa kabila ng pagkabawal ng pag-aasawa niya rito. Ipinagbawal ang pag-aasawa sa babaing nangangalunya at ang pagpapaasawa ng nangangalunya sa mga mananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba