Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 3 sa 64 • Tagalog


الزَّانِي لَا يَنْكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوْ مُشْرِكَةً وَالزَّانِيَةُ لَا يَنْكِحُهَا إِلَّا زَانٍ أَوْ مُشْرِكٌ ۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ 3
Pagsasalin:
Ang lalaking nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang babaing nangangalunya o isang babaing tagapagtambal. Ang babaing nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang lalaking nangangalunya o isang lalaking tagapagtambal. Ipinagbawal iyon sa mga mananampalataya. An-Nūr 24:3
Tafsīr:
Para sa pagpapahayag ng karumalan ng pangangalunya, binanggit ni Allāh na ang [lalaking] nasanay nito ay hindi nakaiibig sa pag-aasawa maliban sa isang babaing nangangalunyang tulad niya o sa isang babaing tagapagtambal na hindi nangingilag sa pangangalunya, sa kabila ng kawalan ng kapahintulutan ng pag-aasawa rito; at ang [babaing] nasanay sa pangangalunya ay hindi nakaiibig sa pag-aasawa maliban sa isang lalaking nangangalunyang tulad niya o sa isang lalaking tagapagtambal na hindi nangingilag dito, sa kabila ng pagkabawal ng pag-aasawa niya rito. Ipinagbawal ang pag-aasawa sa babaing nangangalunya at ang pagpapaasawa ng nangangalunya sa mga mananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 2 Susunod An-Nūr • Talata 4