Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 4 sa 64 • Tagalog


وَالَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوا بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ فَاجْلِدُوهُمْ ثَمَانِينَ جَلْدَةً وَلَا تَقْبَلُوا لَهُمْ شَهَادَةً أَبَدًا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ 4
Pagsasalin:
Ang mga nagpaparatang [ng pangangalunya] sa mga malinis na babae, pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi, ay hagupitin ninyo ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga iyon ay ang mga suwail – An-Nūr 24:4
Tafsīr:
Ang mga nagpaparatang ng mahalay sa mga mabini kabilang sa mga babae (at mga mabini kabilang sa mga lalaki tulad nila), pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi sa ipinaratang nila na mahalay, ay hagupitin ninyo – o mga tagahatol – ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga nagpaparatang na iyon sa mga mabini ay ang mga lumabas sa pagtalima kay Allāh –
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 3 Susunod An-Nūr • Talata 5