Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsasabi sila: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo at tumalima Kami.” Pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila matapos na niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya. (47)
Tafsīr
Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw: "Sumampalataya kami kay Allāh at sumampalataya Kami sa Sugo, at tumalima Kami kay Allāh at tumalima Kami sa Sugo Niya." Pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkatin kabilang sa kanila kaya hindi tumatalima ang mga iyon kay Allāh at sa Sugo Niya sa pag-uutos ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ng iba pa matapos na pag-aangkin ng mga iyon na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at pagtalima sa kanilang dalawa. Ang mga tumatalikod na iyon sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi ang mga mananampalataya, kahit pa nagpahayag sila na sila raw ay mga mananampalataya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: