Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 47 sa 64 • Tagalog


وَيَقُولُونَ آمَنَّا بِاللَّهِ وَبِالرَّسُولِ وَأَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِنْهُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ 47
Pagsasalin:
Nagsasabi sila: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo at tumalima Kami.” Pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila matapos na niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya. An-Nūr 24:47
Tafsīr:
Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw: "Sumampalataya kami kay Allāh at sumampalataya Kami sa Sugo, at tumalima Kami kay Allāh at tumalima Kami sa Sugo Niya." Pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkatin kabilang sa kanila kaya hindi tumatalima ang mga iyon kay Allāh at sa Sugo Niya sa pag-uutos ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ng iba pa matapos na pag-aangkin ng mga iyon na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at pagtalima sa kanilang dalawa. Ang mga tumatalikod na iyon sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi ang mga mananampalataya, kahit pa nagpahayag sila na sila raw ay mga mananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 46 Susunod An-Nūr • Talata 48