Talaga ngang nagpababa Kami ng mga tandang malinaw. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām]. An-Nūr 24:46 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagpababa Kami kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng mga tandang maliwanag na tagapaggabay sa daan ng katotohanan. Si Allāh ay nagtutuon sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon, kaya nagpaparating sa kanya ang daang iyon tungo sa Paraiso.