Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 10

مَنْ كَانَ يُرِيدُ الْعِزَّةَ فَلِلَّهِ الْعِزَّةُ جَمِيعًا ۚ إِلَيْهِ يَصْعَدُ الْكَلِمُ الطَّيِّبُ وَالْعَمَلُ الصَّالِحُ يَرْفَعُهُ ۚ وَالَّذِينَ يَمْكُرُونَ السَّيِّئَاتِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۖ وَمَكْرُ أُولَٰئِكَ هُوَ يَبُورُ 10 ١٠

Ang sinumang nagnanais ng karangalan ay sa kay Allāh ang karangalan nang lahatan. Tungo sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang gawa, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara. (10)

Tafsīr
Ang sinumang nagnanais ng karangalan sa Mundo o sa Kabilang-buhay ay huwag humiling nito malibang mula kay Allāh sapagkat sa kay Allāh lamang ang karangalan sa dalawang ito. Tungo sa Kanya umaakyat ang kaaya-ayang pagbanggit sa Kanya, at ang gawang maayos ng mga lingkod Niya ay nag-aangat nito tungo sa Kanya. Ang mga nagpapanukala ng mga sabwatang masagwa gaya ng pagtatangka ng pagpatay sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya na iyon ay mawawalang-saysay, masisira, at hindi magsasakatuparan para sa kanila ng isang pakay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba