Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 10 sa 45 • Tagalog


مَنْ كَانَ يُرِيدُ الْعِزَّةَ فَلِلَّهِ الْعِزَّةُ جَمِيعًا ۚ إِلَيْهِ يَصْعَدُ الْكَلِمُ الطَّيِّبُ وَالْعَمَلُ الصَّالِحُ يَرْفَعُهُ ۚ وَالَّذِينَ يَمْكُرُونَ السَّيِّئَاتِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۖ وَمَكْرُ أُولَٰئِكَ هُوَ يَبُورُ 10
Pagsasalin:
Ang sinumang nagnanais ng karangalan ay sa kay Allāh ang karangalan nang lahatan. Tungo sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang gawa, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara. Fāṭir 35:10
Tafsīr:
Ang sinumang nagnanais ng karangalan sa Mundo o sa Kabilang-buhay ay huwag humiling nito malibang mula kay Allāh sapagkat sa kay Allāh lamang ang karangalan sa dalawang ito. Tungo sa Kanya umaakyat ang kaaya-ayang pagbanggit sa Kanya, at ang gawang maayos ng mga lingkod Niya ay nag-aangat nito tungo sa Kanya. Ang mga nagpapanukala ng mga sabwatang masagwa gaya ng pagtatangka ng pagpatay sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya na iyon ay mawawalang-saysay, masisira, at hindi magsasakatuparan para sa kanila ng isang pakay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 9 Susunod Fāṭir • Talata 11