Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 11 sa 45 • Tagalog


وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ جَعَلَكُمْ أَزْوَاجًا ۚ وَمَا تَحْمِلُ مِنْ أُنْثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلْمِهِ ۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِنْ مُعَمَّرٍ وَلَا يُنْقَصُ مِنْ عُمُرِهِ إِلَّا فِي كِتَابٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ 11
Pagsasalin:
Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay Allāh ay madali. Fāṭir 35:11
Tafsīr:
Si Allāh ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos lumikha sa inyo mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo na mga lalaki at mga babaing nag-aasawahan kayo sa gitna ninyo. Walang nagbubuntis na isang babae ng isang sanggol at walang nagsisilang ng anak nito malibang nasa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang nalilingid sa Kanya mula roon na anuman. Walang naidadagdag sa edad ng isa kabilang sa nilikha Niya at walang naibabawas mula roon malibang nangyaring iyon ay nakasulat sa Tablerong Pinangangalagaan. Tunay na ang nabanggit na iyon – na paglikha sa inyo mula sa alabok, paglikha sa inyo sa mga yugto, at pagsusulat ng mga edad ninyo sa Tablerong Pinangangalagaan – kay Allāh ay magaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 10 Susunod Fāṭir • Talata 12