Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 12 sa 45 • Tagalog


وَمَا يَسْتَوِي الْبَحْرَانِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ سَائِغٌ شَرَابُهُ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ ۖ وَمِنْ كُلٍّ تَأْكُلُونَ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُونَ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا ۖ وَتَرَى الْفُلْكَ فِيهِ مَوَاخِرَ لِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ 12
Pagsasalin:
Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Itong [isa] ay tabang na pagkatabang-tabang na kasiya-siya ang pag-inom nito at itong [isa] naman ay maalat na mapait. Mula sa bawat isa ay kumakain kayo ng isang lamang malambot [na isda] at humango kayo ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong rito habang mga umaararo upang maghangad kayo ng kagandahang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Tagalikha ninyo]. Fāṭir 35:12
Tafsīr:
Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Ang isa sa dalawa ay tabang na matindi ang katabangan, na madali ang pag-inom nito dahil sa katabangan nito. Ang ikalawa ay maalat na mapait, na hindi maaari ang pag-inom nito dahil sa tindi ng kaalatan nito. Mula sa bawat isa sa dalawang katubigang nabanggit ay kumakain kayo ng isang lamang malambot, ang isda, at humango kayo mula sa dalawang ito ng perlas at koral, na isinusuot ninyo bilang gayak. Nakikita mo ang mga daong, o tagatingin, habang bumibiyak sa dagat sa pamamagitan ng paglalayag ng mga ito nang pasulong at paurong, upang maghanap kayo ng kagandahang-loob ni Allāh sa pamamagitan ng pangangalakal at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa maraming biyaya Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 11 Susunod Fāṭir • Talata 13