Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 13 sa 45 • Tagalog


يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ الْمُلْكُ ۚ وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ مَا يَمْلِكُونَ مِنْ قِطْمِيرٍ 13
Pagsasalin:
Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan [para sa inyo], habang bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Fāṭir 35:13
Tafsīr:
Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya nadaragdagan Niya ito ng haba at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya nadaragdagan Niya ito ng haba. Pinagsilbi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang araw at pinagsilbi Niya ang buwan, habang bawat isa ay umiinog para sa isang tipanang nakatakda, na nalalaman ni Allāh: ang Araw ng Pagbangon. Yaong nagtatakda niyon sa kabuuan niyon at nagpapainog niyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya lamang ang paghahari. Ang mga sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya na mga anito ay hindi nagmamay-ari ng halaga ng balot ng buto ng datiles. Kaya papaanong sumasamba kayo sa sinuman bukod pa sa Akin?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 12 Susunod Fāṭir • Talata 14