Si Allāh ay ang nagsugo ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng mga ito sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon ang pagkabuhay. Fāṭir 35:9 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay ang nagpadala ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga hanging ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ulap tungo sa isang bayang walang halaman doon saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng tubig ng mga ito sa lupa matapos ng pagkatuyo nito sa pamamagitan ng pinatubo Namin dito na halaman. Kaya kung paanong nagbigay-buhay Kami sa lupang ito, matapos ng kamatayan nito, sa pamamagitan ng inilagak Namin dito na mga halaman, [gayon] magaganap ang pagbubuhay sa mga patay sa Araw ng Pagbangon.